Ayon sa source ng Radyo Inquirer, nakita ang bangkay ng biktima sa Patikul, Sulu dakong alas-dos ng hapon.
Nagsasagawa ng search and rescue operations ang 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Kan Suil, Barangay Taglibi, Patikul, nang matagpuan ang bangkay ni Staff Sergeant Anni Siraji.
Naaagnas na ang mga labi ni Siraji nang matagpuan.
Si Siraji, na isang Tausug at mula sa Sulu, ay dinukot ng ASG noong April 20 sa Igasan, Patikul, Sulu.
Dadalhin naman ang bangkay ni Siraji sa headquarters ng Joint Task Force Sulu sa Camp Teodolfo Bautista sa Jolo.
Tinutunton na rin ang mga miyembro ng ASG na nasa likod ng kidnapping at pamamaslang.