Bobby Ray Parks Jr., itinanghal bilang ASEAN Basketball League Local MVP

 
alab 01Itinanghal si Bobby Ray Parks Jr., bilang ASEAN Basketball League o ABL 2016-2017 Local Most Valuable Player o MVP of the Year.

Inanunsyo ito bago ang Game 4 ng ABL finals ngayong araw.

Nagpasalamat si Parks sa parangal na nakuha.

Sa litratong ipinost sa social media, makikita ang trophy na natanggap na may caption na ‘blessings on blessings on blessing.’

Si Parks, na may taas na 6’4″, ay parte ng Alab Pilipinas bilang guard/forward.

Ang iba pang nagwagi ay sina Eduard Torres ng Hong Kong Eastern Long Lions bilang Coach of the Year; Justin Howard ng Singapore Slingers bilang Defensive Player of the Year; at Marcus Elliot ng Hong Kong Eastern Long Lions bilang MVP World Import.

Ang ABL ay isang professional basketball league sa Southeast Asia, Hong Kong at Taiwan.

 

Read more...