Ngayong araw ng Linggo (April 23), nagkaroon ng send-off ceremony para sa mga pulis, sundalo at emergency crews na ipapakalat para magbantay at magbigay ng assistance para sa mga dadalo sa ASEAN summit, maging sa publiko.
Dumalo sa seremonya, na ginawa sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila, sina Philippine National Police o PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Catalino Cuy, at Philippine Ambassador to the United States Marciano Paynor.
Sinimulan ang send-off ceremomy sa isang misa, kung saan binendisyunan ng isang pari ang mga pulis, sundalo at iba pang personnel na idedeploy para sa ASEAN summit.
Aabot sa siyam na libong uniformed personnel ang nakibahagi sa misa.
Nagkaroon din ng fly-by ang dalawang jets ng Air Force, habang nakibahagi rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP na nagsaboy ng makulay na tubig.
Naka-abang na rin ang security forces para sa pagdating sa Pilipinas ng matataas lider mula sa iba’t ibang mga bansa.