Magnitude 5.1 na lindol, yumanig sa Tandag, Surigao del Sur

lindoNiyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Tandag, Surigao del Sur kaninang 9:19 ng umaga (April 23).

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, nairekord ang lindol 22 kilometers north ng Tandag.

Ang lindol ay may lalim na 28 kilometers, at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity II sa Bislig, Surigao del Sur; habang Intensity I sa Borongan, Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, bunsod ng 5.1 magnitude na lindol ay asahan na ang aftershocks.

Minomonitor naman ng ahensya kung may pinsalang idinulot ang lindol.

 

Read more...