Ex-PNoy pinagtanggol ni FVR sa banat ni GMA

FVR
Inquirer file photo

Sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na hindi dapat sisihin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng West Philippine Sea.

Tama ayon kay Ramos ang ginawa ng nakaraang administrasyong Aquino na maghain ng reklamo sa arbitral tribunal kaugnay sa pananakop ng China sa ilang mga isla na nasa loob ng teritoryo ng bansa.

Ito umano ang tamang paraan para ipakita sa China na hindi natin tinatalikuran ang paghahabol sa ilang disputed islands sa West Philippine Sea.

Nauna nang sinabi ni Arroyo na kasalanan ng nakalipas na administrasyon kung bakit lumala ang problema sa pagitan ng Pilipinas at China na pilit naman umanong inaayos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sinabi ni Ramos na hindi na dapat palakihin pa ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ginawang pagpigil sa kanilang ng China sa pagpunta sa Pag-asa Island sa Palawan.

Ang mahalaga ayon sa dating pangulo ay nakarating sa Pag-asa Island ang grupo ni Lorenzana ng ligtas at hindi nagkaroon ng armed confrontations.

Ipinaliwanag pa ng pangulo na normal lamang ng magtangka ang China na harangin ang mga dumadaan sa West Philippine Sea dahil kabilang sila sa mga umaaangkin sa nasabing teritoryo.

Read more...