Plano ni Lopez ukol sa NPA suportado ng simbahan

gina lopezNagpahayag ng suporta ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of Philippines o CBCP sa plano ni Environment Sec. Gina Lopez na magpatulong sa New People’s Army sa pagpapaunlad sa mga komunidad ng minahan.

Sinabi ni Fr. Edwin Gariguez na magandang hakbang ang balak ni Lopez para sa kapayapaan.

Sinabi ni Gariguez, ang executive secretary ng National Secretariat for Social Action ng CBCP, na kadalasan ang mga mahihirap ang nabibiktima ng kawalan ng hustisyang pangkalikasan.

Dagdag pa nito wala ng magiging panganib kung magbababa na ng kanilang mga armas ang mga rebelde para protektahan ang kalikasan.

Read more...