Pilipinas ipoprotesta ang pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga Pinoy sa Bataan

lorenzana in pagasaTiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsasampa ng protesta ang Pilipinas laban sa China.

Ito’y kung mapatunayang totoo ang balitang hinarrass ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisda mula Bataan na lumaot sa Pagkakaisa bank o Union Reef sa West Philippone Sea.

Nauna nang sinabi ni Lorenzana na kailangang magprotesta ng Pilipinas kapag may ganitong uri ng insidente upang ipakitang pumapalag ang bansa at mapanindigan ang ating pagmamay-ari sa mga teritoryo ng bansa.

Hinikayat naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang mga mangingisdang Pinoy na magsumbong agad sa mga otoridad sakaling makaranas ng ganitong klaseng panghaharass sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa ngayon, ipinag-utos na umano ni Gen. Año sa Northern Luzon Command ang pagsisiyasat sa insidente.

Read more...