Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi kasi isinama sa profile ng Time Magazine na nakulong si De Lima dahil sa kasong drug trafficking.
Isang independent court aniya ang nakakita ng probable cause para sampahan ng kasong criminal si De Lima dahil sa paglabag sa anti illegal drugs law.
Ayon kay Abella, hindi naman nakulong si De Lima dahil lamang sa pambabatikos sa anti drug war campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa artikulo ng Time Magazine na isinulat ni dating United States Ambassador to the United Nations Samantha Power na ang pagkakakulong kay De Lima ay isang disturbing testament na kumukontra sa mga strongmen gaya ni Pangulong Duterte.