Kahandaan sa ” The Big One”, pinasisilip sa Senado

Mabini General Hospital. Kuha ni Cyrille Cupino
Mabini General Hospital. Kuha ni Cyrille Cupino

Inihirit ni Sen. Leila De Lima ang agarang pag-iimbestiga ng Senado sa kahandaan ng gobyerno sa pagtama ng kinakatakutang “The Big One” o ang pagtama ng magnitude 7.2 earthquake sa Metro Manila.

Inihain ni de lima ang Senate resolution 322 at hinihiling na alamin ng kinauukulang komite sa Senado na alamin ang kahandaan sa pagtama ng malakas na lindol.

Giit ng senadora kailangan ng makatotohanang assessment at pagpapalakas sa kapasidad ng mga ahensiya ng gobyerno at LGUs.

Binanggit nito ang pag aaral sa Japan na nagsasabing na maaring yanigin na ng malakas na lindol ang kalakhang Maynila, na magreresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 34,000 katao at pagkasira ng 40 porsiyento ng mga gusali.

Read more...