Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, umaabot na sa 518 pamilya o 2,461 indibidwal ang kanilang pinagsisilbihan sa walong evacuation centers.
Aniya may hiwalay pang 113 pamilya na nanunuluyan sa kanilang mga kaanak ang may suplay din ng family food packs.
Dagdag pa ni Taguiwalo, patuloy ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon para tiyakin na walang inosenteng sibilyan ang mapapagbintangan na miyembro o tagasuporta ng bandidong grupo.
Katuwiran ng kalihim, may mga pagkakataon na pinagbibintangang Abu Sayyaf Member ang ilang magsasaka sa lalawigan at nagkakaroon na ng paglabag sa karapatang pantao.