Ipinagpaliban ng pamahalaan ang planong paglalagay ng bandila ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring matuloy ang paglalagay ng bandila ng bansa sa darating na June 12 pero aniya hindi na dadalo ang Pangulo.
Kasama ni Lorenzana ang iba pang high-ranking military officials na nagpunta sa Pag-asa Island ngayong umaga para alamin ang kondisyon ng mga Pilipinong naninirahan sa pinag-aagawang teritoryo.
Ang Pag-asa Island ang nasabing isla sa Subi Reef na isa sa pitong man-made islands ng China.
Matatandaang una ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng mga istruktura at paglalagay ng watawat ng bansa sa mga islang pagmamay-ari ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES