Ayon kay Chief Insp. Miguel Andesa, hepe ng pulisya ng Olango, nakatanggap ng ulat ang pulisya mula sa isang residente na umano’y namataan niya ang dalawang armadong lalaki.
Nakatakip ang mukha ng mga ito at naglalakad sa tabing-dagat ng Barangay San Vicente, bitbit ang mahahabang armas.
Rumesponde naman ang mga pulis at militar sa lugar, at nakarinig ng anim na putok na hinihinalang mula sa mga armas.
Ayon kay Andesa, magandang hideout ang lugar dahil puno ito ng bakawan at puno ng niyog.
Gayunman, hindi pa makumpirma ng mga opisyal ang presensya ng mga armadong kalalakihan sa lugar at kung mga bandidong ang mga ito.
Patuloy namang binabantayan ng mga otoridad sa Olango Island.
Matatagpuan ang isla ng Olango sa layong 26 na kilometro sa hilaga ng Inabanga, Bohol.
Matatandaang naalarma ang mga residente makapasok sa lalawigan ng Bohol walong myembro ng Abu Sayyaf group na nakaligtas sa pakikipagbakbakan sa militar sa Inabanga noong April 11.