Ayon kay Lopez, tinitingnan niya ang Agusan del Sur, na lubos na nakinabang mula sa pagmimina pero unang ita-transform sa “E3” zone ang mga lugar na kontrolado ng mga rebelede.
Naglaan ang DENR ng anim na bilyong piso para sa pagkakaroon ng mga E3 zones sa buong bansa.
Positibo si Lopez na maalis ang kahirapan sa lalawigan sa pagkakaroon ng 50 milyong piso na social development and management program (SDMP) fund na inilalaan ng mga mining firms sa lugar ng kanilang mga operasyon.
Aniya nakausap na niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung maari siyang makipagtulungan sa NPA.
Dagdag pa ni Lopez, na sa huli ay hindi uunlad ang lugar kung patuloy ang kaguluhan.