Bahagi ng Roxas Blvd., isasara sa trapiko sa Sabado at Linggo

Roxas Boulevard Manila | Inquirer Photo
Roxas Boulevard Manila | Inquirer Photo

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Southbound lane ng Roxas Boulevard sa darating na weekend, April 22 at 23.

Base sa advisory na inilabas ng MPD Traffic Bureau, sa April 22 (Sabado), simula alas dos ng hapon, sarado ang southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo para sa isang pista.

Habang sa April 23 naman (Linggo) simula alas tres ng madaling araw ay sarado na ang southbound lane ng Roxas Blvd., mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo, para sa isasagawang fun run.

Pinapayuhan ang mga motorista na humanap na ng mga alternatibong ruta upang di na maantala sa pagbiyahe.

Read more...