15 katao naospital dahil sa cake sa Masbate

 

Labinlima katao ang isinugod sa ospital sa Masbate City matapos kumain ng cake sa isang birthday party.

Ayon kay Masbate provincial health officer Dr. Severino Bajar, labintatlo sa mga biktima ay pawang mga bata.

Dumalo aniya sa isang birthday party sa isang bahay sa Barangay igang ang mga biktima, kung saan labintatlo ay pawang mga bata.

Dalawa hanggang apat na oras aniya makalipas nang kumain ang mga biktima, nag-suka na ang mga ito.

Nagamot naman sa provincial hospital ang mga biktima at nakalabas na rin kahapon.

Tumanggi naman si Bajar na pangalanan ang bakeshop na pinanggalingan ng cake pati na ang may-ari nito dahil patuloy pa itong iniimbestigahan ng Surveillance and Epidemiology Department ng Masbate.

Read more...