11 patay sa panibagong landslide sa Colombia

 

File photo

Hindi bababa sa labing-isang katao ang nasawi, habang dalawampu pa ang nawawala matapos ang landslide na tumama sa Manizales, Colombia.

Ito na ang pangalawang pinaka-nakamamatay na landslide na naganap sa bansa ngayong buwan na ito.

Dahil sa malalakas na pag-ulan, delikado ang lagay ng mga residenteng naninirahan sa dose-dosenang mga bayan malapit sa bundok.

Nakakapagpalubha naman sa sitwasyon ang mga makeshift construction na nasa mga slopes ng Andes, dahil naging mas prone sa landslide at pagbabaha ang mga lugar sa paanan nito.

Nitong buwan rin lang naganap ang disaster sa Mocoa, Putumayo kung saan 320 katao ang nasawi sa malaking landslide, habang libu-libong pamilya ang nawalan ng tahanan.

Sa nangyaring landslide sa Manizales, siyam ang naitalang nasugatan at hindi naman bababa sa 57 na kabahayan ang nasira.

Ayon sa ulat ng local media, naranasan ng Manizales ang dami ng ulan na katumbas ng isang buwan sa loob lamang ng magdamag.

Sinubukan naman nang tumungo ni Colombian president Juan Manuel Santos sa nasabing lugar, ngunit hindi siya makatuloy dahil sa nagpapatuloy na masaming panahon.

Read more...