Nagbabalak na makakuha ng trademark sa Pilipinas ang US Presidential daughter na si Ivanka Trump.
Matapos na manalo sa eleksyon ang kanyang ama, lumobo ang global sales ng mga merchandise ng kumpanya ni Ivanka Trump sa kabila ng pag-boycott ng ilang grupo sa mga ito.
Dahil dito, nag-aaply ngayon ang kumpanya ni Ivanka ng siyam na bagong trademarks dito sa Pilipinas at sa Puerto Rico, Canada at United States.
Kabilang sa mga produktong nais na isailalim sa Ivanka Trump trademark ay mga baby clothes dito sa Pilipinas, mga lingerie sa Amerika, mga handbag sa Puerto Rico aty mga pabango sa Canada.
Ang Ivanka Trump Marks LLC ay dati nang pinatatakbo ng presidential daughter ngunit dahil naging presidente na ng Amerika ang kanyang ama ay kanya nang binitawan ang pangangasiwa nito.
Gayunman, si Ivanka Trump pa rin ang may-ari ng naturang kumpanya na tinatayang nagkakahalaga ng $50 milyon.