Inalmahan ni Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ang direktiba ni Executive Secretary Salvador Medialdea na direktang kumokontra sa kautusan niya sa mga suspindidong mining company na magbigay ng dalawang milyong piso sa bawat ektarya ng bukirin na naapektuhan ng mga mining activities kapalit ng pagpayag niya na pagtanggal sa mga stockpile nito.
Paliwanag ni Lopez, ang nasabing pondo ay para sa mga lugar na apektado ng mga mining activities at pakikinabangan sana ng mga apekatdong magsasaka.
Nabalitaan din aniya niya mula sa kanyang Environmental Management Bureau team sa ground na hindi na mapigilan ang mga mining company sa pagtanggal ng kanilang mga stockpile dahil sa kautusan ni Medialdea.
Dagdag pa ni Lopez na ayaw niyang makipag-away kahit kanino kaya balak niyang makipagkita kay Medialdea para kausapin tungkol sa hindi patas nitog kautusan.