Bgy. Kagawad na sumasama sa Oplan Tokhang operations, nahulihan ng shabu

 

Arestado ang isang barangay kagawad matapos itong maaktuhang nagbebenta ng shabu habang gamit ang service vehicle ng kanilang barangay sa Makati City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law ang naarestong suspek na si Virgilio Awit Jr., Bgy. Councilor ng East Rembo Makati City matapos makuhanan ng tatlong plastic sachet ng shabu.

Bago arestuhin, una nang nakabili ang asset ng mga tauhan ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng shabu sa suspek na nagkakahalaga ng P1,500.

Sa mismong service vehicle pa umano ng barangay isinagawa ang pagbebenta ng droga ng suspek sa bahagi ng C5 Road, East Rembo.

Napag-alaman na si Awit pa mismo ang kinatawan ng kanilang barangay sa mga pagpupulong ng Makati Peace and Order Council.

Ito rin ang nakakasama ng mga otoridad sa pagkatok sa mga bahay ng mga hinihinalang drug personalities sa kanilang lugar at kumukumbinsi sa mga drug suspects na sumuko sa mga otoridad sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Read more...