Isinagawa ang operasyon ng mga miyembro ng Fugitive Search Unit ng Immigration katulong sina China police attache Senior Supt. Fu Yun Fei at Authority of Freeport Area of Bataan (AFAB) administrator Emmanuel Pineda.
Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, napag-alaman na undocumented aliens ang nahuling mga Chinese nationals.
Dahil dito, umakyat na sa limampu’t limang Chinese national ang kabuaang bilang ng mga naaresto sa Bataan Freeport Zone.
Sinabi ni Mangrobang na mahaharap ang naturang mga Chinese nationals sa summary deportation proceedings matapos kanselahin ng Chinese government ang kanilang passports dahil sa pagkakasangkot sa economic crimes.
Kabilang sa mga naaresto ay nakilalang sina Wang Zhimin, Lim Junle, Zheng Jianyu, Lin Bing, Lin Jiali, Wang Xinwei, Zheng Binlin, Cai Zhihai, Fang Jun, Chen Zhimin, Lin Qiang, Wu Jianping, Zhu Chenglong, Liu Min, Huang Jianhui, Chen Jiaofu, Liu Lijian, Liu Liquan, Liu Lichen, Liu Zhentao, Liu Litao, Lai Jiemin, Lin Wenbin, Lai Denghi, Zhang Depan, Yang Qian, Peng Shoukun, Ran Qiyi, Zheng Shihua, Li Yangheng, Lin Zhihui, Li Chao, Xu Liangxi, Yuan Maoxiang, Qiu Huasheng at Lin Xiaopeng.
Sinabi ni BI FSU head Jose Carlitos Licas na dadalhin sa detention center ng Immigration sa Taguig ang mga Chinese nationals.
Matatandaang noong nakaraang taon, umabot sa 1,316 illegal Chinese workers sa online gambling facility sa loob ng Fontana Leisure Park sa Pampanga ng Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.
Lalong naging kontrobersyal ang isyu matapos lumutang ang balita na kinikilan umano ng dalawang opisyal ng BI na sina Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles si Lam ng P50 million kapalit ng pagpapalaya sa kanyang mga trabahador.
Matapos nito, agad na dinismiss sa kanilang puwesto ang dalawang BI officials ni Pangulong Rodrigo Duterte.