Ito ang naging bwelta ng presidential son sa mga kritiko ng kanyang ama.
Ayon kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, wala nang hihigit pang pagkilala ang iboto ng sambayanan ang kanyang ama bilang pangulo ng bansa.
Kung tutuusin, ayon sa nakababatang Duterte, noon pa man ay inaayawan na ng kanyang ama ang mga iginagawad na honorary degree dahil hindi niya ito pinaghirapan at madalas ay ayaw niya ng anumang public recognition.
Magugunitang noong Hulyo ng 2016 ay naglabas ng direktiba si Pangulong Duterte sa lahat ng sangay ng pamahalaan na pinagbabawal ang paggamit ng katagang “Honorable” at “His Excellency” kapag siya ay pinakikilala bilang pangulo sa mga pagtitipon.