4 na planta ng kuryente na naapektuhan ng lindol sa Batangas, operational na

Power plant
FILE PHOTO

Gumagana na ang apat na planta ng kuryente na naapektuhan ng nakaraang lindol sa Batangas Province.

Ito ang ibinalita ni Department of Energy Usec. Wimpy Fuentebella matapos ang mahigit isang linggo na epekto ng lindol.

Ayon kay Fuentebella, nakakapag suplay na ng kuryente ang San Lorenzo 1 & 2, San Gabriel power plant at Ilijan power plant.

Dahil dito, mayroon ng 1,500 megawattz na reserba ang Luzon grid na maaaring magamit ng mas matagal ng mga consumer.

Inalis na rin ng DOE ang yellow warning alert dahil sa muling pagbabalik ng kuryente ng mga nasirang planta.

Ngunit nanatili pa ring hindi nakakapagsuplay ng kuryente ang labing limang planta na nasa Bataan dahil sa maintenance shutdown.

Pagtitiyak ni Usec Fuentebella, wala namang epekto ito sa reserbang kuryente ngunit kailangan pa rin umanong magtipid ng mga consumer.

Read more...