DOH, kinondena ang pamamasalang sa isang doktor sa Mindanao

Ubial-DOH
FILE PHOTO

Nagpahayag ng mariing pagkondena ang Department of Health sa naganap na pamamaslang sa isang doktor sa Mindanao.

Sina Dr. Sajid Jaja Sinolinding at kanyang security escort na nakilalang si Hamid ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga salarin sa loob ng Cotabato Doctors Clinic umaga ng Martes.

Nakiramay din si Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial sa pamilya ni Dr Sinolinding na isang ophthalmologist, nakababatang kapatid ni Secretary Dr. Kadil Sinolinding, Jr. ng Department of Health Autonomous Region.

Tinutuligsa ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang karahasan kay Dr. Sinolinding lalo na at nasa panahong kailangang-kailangan ng bansa ang katulad ng manggagamot na isang dedikadong healthcare worker.

“The DOH condemns this act of violence as it lost anew a dedicated healthcare worker at a time when there is a dire need for their service and we are deeply saddened by this event, even as we are still awaiting the resolution of the killing of former Doctors to the Barrios Dr. Dreyfuss Perlas,” sabi ni Health Secretary Rosell-Ubial.

Hindi pa man aniya ganap na nakukuha ang hustisya sa pagkawala ng isa sa Doctors to the Barrios na si Dr. Dreyfuss Perlas ay heto at isa pang dedicated doctor ang pinaslang ng mga salarin.

Read more...