Palasyo, nakiramay sa mga namatayan sa aksidente sa Nueva Ecija

 

Nagparating ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng mga nasawing pasahero ng bus na nahulog sa banging sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa ngayon ay umabot na sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing aksidente.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tiniyak niya sa mga nagluluksang pamilya na mananagot ang mga dapat managot sa nasabing aksidente.

Kahapon ng umaga nahulog sa bangin ang Leomarick Trans bus sa Sitio Nursery, Barangay Capintalan, bayan ng Carranglan.

Nahirapan ang mga otoridad na sumaklolo at rumesponde sa aksidente dahil sa sobrang tarik ng bangin, kaya’t ang mga sugatang biktima ay nasawi rin habang kanilang iniaakyat.

Read more...