Iba pang miyembro ng Kadamay, posibleng magkabahay na rin

 

Inquirer file photo

Maghahain ng joint resolution ang Committees on Housing ng Senado at Mababang Kapulungan para bigyan kapangyarihan ang National Housing Authority na ipamahagi sa iba ang mga bakanteng government housing units.

Sinabi ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman ng house committee on housing, may 55,000 unoccupied units para sa mga pulis at sundalo ang bakante.

Aniya, kung papasa ang kanilang resolusyon ni Sen. JV Ejercito ay magkakaroon ng kapangyarihan ang NHA na i-redistribute sa ibang qualified beneficiaries kasama na ang mga Kadamay members ang mga bahay.

Sinabi naman ni Ejercito na kabilang sa maaring mabigyan ay mga iba pang kawani ng gobyerno gaya ng mga guro.

Read more...