North Korea, handang lumaban kung sakaling umatake ang US

north-korea-apNaghahanda ang North Korea sa anumang gyera na posibleng idulot ng US military action.

Ipinahayag ito ni North Korean deputy ambassador to the United Nations Kim In Ryong makaraaang balaan ni US Vice President Mike Pence ang naturang bansa.

Sinabi ni Pence na tapos na ang panahon ng pagpapasensya o ‘strategic patience’ matapos muling maglunsad ng missile ang North Korea noong Linggo.

Banta naman ni Kim, lalabanan ng North Korea sa mabagsik na paraan ang sinumang maghahamon dito.

Matatandaan naman iginigiit ng North Korea na ‘self-defensive measures’ lamang kontra sa banta ng US military action ang isinasagawa nitong nuclear tests.

Pinanangangambahan naman ng US na posibleng naghahanda na ang North Korea para sa ikaanim na nuclear test ng nito.

Sinusubukang bumuo ng North Korea na isang long-range missile na kayang umabot sa US mainland.

Read more...