Pinagkalooban ng kabuhayan package ng Department of Labor and Employment ang 139 na OFWs na bumalik sa bansa sa ilalim ng “Nation Without Violations” Amnesty Program Saudi Arabia.
Sa ilalim ng DOLE Assist WELL – Welfare, Employment, Livelihood, and Legal Assistance- ang mga nawalan ng hanapbuhay sa ibang bansa ay napagkakalooban ng panibagong pagkakataon upang makapaghanapbuhay at masustentuhan ang kanilang mga pamilya.
Mayroon ding Balik-Pinas, Balik Hanapbuhay Program ang mga miyembro ng OWWA na kinabibilangan ng Php 10,000.00 non-cash availabler package na kinabibilangan ng starter kit and techno-skills training.
Ang mga Non-OWWA members ay inilalapit sa National Reintegration Center for OFWs (NRCO) upang maka-avail ng kanilang non-cash training and livelihood program.
Ang OWWA Repatriation Team at 24/7 Operations Center katuwang ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kingdom of Saudi Arabia ay naka-full alert sa pagmomonitor patungkol sa pagdating ng mga OFW na nag-avail ng amnesty program.
Nauna ng sinalubong nina Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III ang 139 na OFWs na unang batch na dumating sa bansa sa pamamagitan ng nasabing programa ng Saudi Government.