Pahayag ito ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng pagkuwestyon ng nakalaban niyang si dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang panalo.
Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, ang pagbilang sa election result sa isang munisipyo ay inaabot ng isang taon at kalahati hanggang dalawang taon at nasa poll protest ni Marcos ang labing-walong lalawigan at limang syudad.
Una nang inakusahan ng kampo ni Marcos si Robredo na umano’y sinasadyang idelay ang electoral protest, bagay na ayon kay Macalintal ay pagkakamali ng dating senador.
Itinanggi naman ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang pahayag ni Macalintal.
Ang kanila aniyang protesta ay siksik sa ebidensya dahil mayroon itong isang libong pahina at nasa dalawang libong pahina ang attachment.