LPA sa Zambales, binabantayan ng Pagasa

LPA ZAMBALESIlang araw matapos manalasa ang Bagyong Crising sa Visayas, isang panibagong low pressure area o LPA ang namataan ng Pagasa sa Zambales.

Sa advisory ng PAGASA, namataan ang LPA sa layong 340 kilometers West ng Iba, Zambales.

Pero sinabi ng weather bureau na sa ngayon ay walang direktang epekto ang naturang LPA sa mga bahagi ng bansa.

Binanggit din ng PAGASA na patuloy nilang imomonitor ang magiging paggalaw ng naturang LPA.

Noong Sabado de Gloria, humina at naging LPA na lamang ang Bagyong Crising matapos mag-landfall sa Samar.

Umabot naman sa 4,500 na pasahero at 400 na sea vessels ang nastranded sa Bicol at Visayas regions dahil sa Bagyong Crising.

Napaulat din na umabot sa walo katao ang nasawi bunsod naman ng mga pagbaha sa Cebu.

Read more...