Pre-trial ni ex-PNP chief Purisima para sa kasong graft, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

purisima
FILE PHOTO

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pre-trial ni dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima para sa kasong graft.

Ngayong araw sana nakatakdang isagawa ang pre-trial, ngunit inurong ito sa June 6. Ito ay para bigyan ng panahon ang prosekusyon at defense panel na tapusin ang preliminary conference ng kaso na itinakda sa May 9.

Inaasahan namang magsusumite ang prosekusyon ng supplemental pre-trial brief para sa kaso.

Si Purisima ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa diumano’y maanomalyang courier service deal ng PNP at Werfast Documentary Agency, Inc. noong 2011, para sa paghahatid ng lisensya ng armas ng mga aplikante.

Batay sa naturang kaso, iginawad ang kontrata sa naturang kompanya nang hindi dumaraan sa public bidding, at sa kabila ng kakulangan ng track record at kwalipakasyon nito bilang kompanya courier service.

Naghain naman ng not guilty plea si Purisima sa kasong graft.

Read more...