Mga oil companies may price increase bukas

gas1
Inquirer file photo

Sa ikatlong pagkakataon ngayong buwan, magtataas muli ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis umpisa bukas, Abril 18, 2017.

Una nang nag-anunsyo ngayong hapon ang Flying V na magtataas sa presyo ng kanilang mga produkto simula 12:01 ng hating gabi.

Ang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, PTT, Chevron, Seaoil, Metro Gas, Total at Clean Fuel ay magpapatupad ng oil price increase alassais ng umaga bukas.

Magtataas ang gasolina ng 45 sentimo kada litro, ang diesel ay 65 sentimo kada litro samantalang 60 sentimo kada litro naman para sa kerosene o gaas.
Inaasahang mag-aanunsyo din ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang price adjustment ngayong araw.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy na inaasahan na ang pagtaas sa presyo ng ilang produktong petrolyo dahil sa pagtaas ng halaga nito sa world market.

Read more...