Naungusan ni Duterte ng five percent ng boto ang iba pang mga nominado na kinabibilangan nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft CEO na si Bill Gates at Facebook founder na si Mark Zuckerberg.
Nagsimula noong March 24 ang pagbubukas ng Time magazine para sa nominasyon sa pamamagitan ng online voting.
Ang nasabing search category ay tinawag ng Time magazine na “Who should be on the 2017 TIME 100?”
Noong nakalipas na Disyembre ay napabilang ang pangalan ni Duterte sa “74 most powerful people in the world”
Sa April 20 ay nakatakdang isapubliko ng Time ang kabuuang detalye para sa kanilang paghahanap sa most influential people of the year.