Nabatid na naganap ang aksidente habang isinasagawa ng mga biktima ang tradisyon tuwing Holy Week na Visita Iglesia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno, namatay ang apat na biktima nang salpukin ng isang SUV na mabilis ang takbo ang kanilang sasakyan, na nakatigil dahil sa flat na gulong.
Batay sa ulat, namatay on the spot ang apat na OFW habang dalawa naman ang nasa kritikal na kondisyon sa Al Rahba Hospital.
Hindi pa nagbibigay ng detalye ang embahada ukol sa pagkakakilanlan ng mga nasawi pero nabatid na tatlong lalaki at isang babae ang mga biktima.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na si Vingno sa mga otoridad sa Abu Dhabi ukol sa mga biktima Pinoy.