Salary increase ng 10,000 regular at casual employees ng Manila City Hall, inanunsyo ni Mayor Erap

ERAP ESTRADA
Kuha ni Erwin Aguilon

Inanunsyo ngayon ng Manila Mayor Joseph Estrada ang salary increase ng mga empleyado ng Manila City Government.

Sa flag ceremony ngayong umaga, sinabi ni Mayor Erap na kasabay ng kanyang ika-80 taong kaarawan sa Miyerkules matatanggap ng sampung libong empleyado ang umento sa sahod.

Sinabi ni Erap na kabuuang P300M ang inilaan ng pamahalaang lungsod para sa salary increase nasa sampung libong regular at casual employees ng lungsod.

Epektibo anya ang umento simula noong unang araw ng Enero 2017 at retroactive itong makukuha ng mga kawani.

Ang matatanggap anya sa Miyerkules ay unang bahagdan pa lamang at masusundan pa sa mga susunod na buwan.

Ang salary increase anya ay depende sa buwanang sahod ng mga kawani.

Read more...