‘Hindi pa pwedeng Presidente si Sen. Poe’ – Tiangco

tiangco-660x656
Larawan mula sa Inquirer.net

Hindi kwalipikado si Senador Grace Poe na tumakbo sa Presidential o kahit Vice Presidential Race sa 2016 Elections.

Sa isang press conference, inilabas ni United National Alliance o UNA Interim President at Navotas Rep. Toby Tiangco ang kopya ng Certificate of Candidacy o COC ni Poe, para patunayan na hindi siya qualified na kumandidato sa pagka-Presidente o Bise Presidente sa susunod na eleksyon.

Giit ni Tiangco, malinaw sa Article 7 section 2 ng Konstitusyon na ang pwedeng tumakbo sa pagka-Pangulo at ikalawang-Pangulo ay dapat na sampung taon nang nakatira sa bansa, bago ang halalan.

Pero batay aniya sa mismong COC ni Poe, noong 2013 Elections ay 6 years and 6 months pa lamang siyang nakatira sa Pilipinas, kaya pagdating sa filing ng COC para sa 2016 polls ay lalabas na 9 months and 6 months pa lamang na residente ng bansa ang Senadora.

Hamon ni Tiangco kay Poe, kung talagang napakahalaga sa Senadora ang salitang ‘honesty,’ dapat ay maging tapat siya sa publiko na hindi pa siya uubra na tumakbo sa 2016 Presidential polls.

Sa kabila nito, sinabi ni Tiangco na hindi naman  ‘perpetual’ o panghabambuhay na pagbabawal ito kay Poe kaya pwede siyang sumabak sa 2022 Elections.

Nang tanungin naman kung bakit nagawa pang alukin ni VP Jejomar Binay si Poe para maging makatandem sa 2016 sa kabila ng isyu ng kakulangan sa residency, sinabi ni Tiangco na nagpaka-gentleman lamang daw ang Bise-presidente. / Isa Avendaño-Umali

Read more...