Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang halos isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport.
Nakasilid sa tatlong parcel na ipadadala sana sa Italy, UK at Saudi Arabia ang mga parcel ng droga na may kabuuang 197 gramo.
Nakasilid ang droga sa mga diaper, sa picture frame at sa isang rice cooker nang madiskubre ng mga tauhan ng BOC sa bodega sa NAIA.
Hindi muna pinangalanan ng BOC ang nagpadala at ang recipient ng nabanggit na package ng droga upang hindi makasagabal sa kanilang imbestigasyon. / Ruel Perez
MOST READ
LATEST STORIES