Kinondena ni Pope Francis ang naganap na pambobomba sa convoy ng mga bus na nagdadala ng mga refugees sa Aleppo, Syria na ikinasawi ng mahigit isandaan katao.
Sa kanyang Easter Sunday message sa St. Peter’s Square sa Vatican City, hinimok rin ng Santo Papa ang lahat na nakakaramdam ng matinding takot sa puso na panatilihin ang pananampalataya.
Batid niya aniya na maraming tao ang nagkakaroon ng takot at pagdududa sa kanilang puso sa presensya ng Diyos sa kabila ng mga gyera, kaguluhan at kalamidad.
Paliwanag ng Santo Papa, ang okasyon ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo ay simbolo ng bagong buhay at bagong hinaharap sa gitna ng mga trahedyang nagaganap sa ibat ibang bahagi ng mundo.
MOST READ
LATEST STORIES