Magkapatid na menor de edad, arestado matapos tadtarin ang kaaway sa San Mateo

arrestedArestado ang dalawang magkapatid na menor de edad, matapos nilang patayin ang kanilang 18-anyos na kaibigan sa San Mateo, Rizal.

Matapos patayin ng magkapatid na may edad na 16 at 17 taong gulang ang kanilang kaibigan, tinadtad nila ang katawan nito at saka inilagay ang mga bahagi nito maliban sa mga braso at binti, sa loob ng isang bakal na drum at itinapon sa hukay.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Reynaldo Chai III at Reynaldo Chai IV, habang ang biktima naman nila ay si Lyndon Masinsin.

Iniulat ng mga magulang ni Masinsin sa pulis na nawawala ang kanilang anak mula pa noong April 3.

Hinihinalang pinatay ng magkapatid si Masinsin sa mismong tahanan nila sa 7 Paraiso St., Barangay Ampid sa San Mateo, dakong alas-7:00 ng gabi ng April 1.

Napag-alaman lang ng San Mateo Municipal Police ang insidente matapos itong iulat sa kanila ng isang informant noong April 5.

Dito na nag-apply para sa search warrant ang mga pulis, na nagawa nilang maihain noong Martes, April 11.

Nahukay pa nila sa bakuran ng mga suspek ang drum na naglalaman ng katawan ng biktima, pati na ang mga kagamitang ginamit nila sa pagchop-chop sa katawan ni Masinsin.

Kabilang sa mga ginamit nila ay wood saw, kutsilyo, tig-isang malaki at maliit na gunting, hack saw, metal saw, martilyo at isang bolo.

Ayon kay SPO1 Gomercindo Digma, mag-isa na lang na naninirahan doon ang magkapatid dahil namatay na ang kanilang ama, habang umalis na patungong United Kingdom ang kanilang ina para magtrabaho.

Matagal na umanong may galit ang magkapatid kay Masinsin dahil ninanakawan umano sila nito ng pera at mga gadgets. Hinihinala namang gumagamit ng marijuana ang nakatatanda sa magkapatid.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Scene of the Crime Operatives ng San Mateo police ang mga pira-pirasong bahagi ng katawan ni Masinsin.

Read more...