Lanao del Sur, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

LanaoNiyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Lanao del Sur.

Unang inanunsyo ng Phivolcs na naitala ang magnitude 5.5 na lindol sa Bukidnon, ngunit sa update nito, itinaas sa magnitude 6.0 ang lindol, at naitala sa Wao ang episentro nito.

Nairekord ang pagyanig dakong 5:21 kaninang umaga.

Naramdaman ang intensity 4 sa Davao City, Cagayan de Oro City, Cotabato City, at Gingoog City.

Apat na aftershocks na ang naitala sa Wao, at ang pinakamalakas dito ay ang magnitude 4.0 kaninang 5:51 ng umaga.

Read more...