Women’s football team ng Pinas, pasok na sa Asian Cup

 

Makalipas ang labinlimang taon, nakapasok na muli sa Women’s Asian Football Cup ang Pilipinas.

Ito’y matapos na makakuha ng ‘draw’ sa score na 1-1 ang women’s football team sa kanilang pakikipagharap sa koponan ng Bahrain sa laro na ginanap sa Dushanbe, Tajikistan.

Nagsilbing susi ng qualifying game ang ‘goal’ na naipasok ni Sara Castañeda sa ika-walomput dalawang minuto ng laban.

Dahil dito, sigurado nang pasok ang mga Pinay football players sa tournament na gaganapin sa Jordan sa susunod na taon.

Ang mga Pinay football team ay ang ikalimang koponan na nakapasok sa Asian Football Cup na gaganapin sa Jordan sa 2018.

Una nang nakapasok ang Japan, China, Australia, Jordan at Thailand.

Ang top 5 team na magwawagi sa AFC ang magku-qualify naman para sa Women’s World Cup.

Read more...