Sa pahayag ng Pyongyang, sinabi nitong nakahanada ang North Korea na maglunsad ng anumang uri ng hakbang upang kontrahin ang ipinapakitang ’aggresion’ ng Amerika.
Dahil aniya sa sitwasyon, may karapatan ang North Korea na maglunsad ng ‘self-defensive’ at ‘pre-emptive strike’ na gagamitan nila ng ‘nuclear force’ kung kinakailangan.
Ang Amerika rin aniya ang dapat na sisihin sakaling humantong sa hindi kanais-nais na kaganapan ang susunod na mga sitwasyon sa rehiyon.
Ang babala ng Pyongyang ay bilang tugon sa pagpapadala ng Pentagon ng USS Carl Vinson aircraft carrier at dalawang guided missle cruiser sa Korean Peninsula noong nakaraang linggo.
Idineploy ng US ang naturang mga warship dahil sa mga missile test na inilunsad ng North Korea kamakailan.