Motion to lift suspension ng Mighty Corp. ibinasura ng BOC

 

Inquirer file photo

Ibinasura ng Bureau of Customs (BOC) ang hiling ng Cigarette manufacturing company na Mighty Corporation na naglalayon sanang maalis ang suspension sa akreditasyon ng naturang kumpanya.

Ito’y sa kabila ng matinding lobbying at rekomendasyon umano ng ilang grupo at personalidad na humihimok sa BOC na payagan ang Mighty Corporation na maibalik ang importer’s accreditation nito.

Layon sana ng petition for the lifting of the suspension of importer’s accreditation ng Mighty Corp. o MC na payagan silang mailabas ang mga produktong dumating na sa bansa at ang mga kargamentong paparating pa lamang.

Paliwanag ng MC, malaking halaga ng pinsala ang matatamo ng mga naturang produkto kung hindi ito agad maisasalang sa produksyon na magreresulta naman sa negatibong epekto sa kabuhayan ng libu-libong mga manggagawa ng kumpanya.

Ayon kay Alvin Ebreo, executive director ng Bureau Action Team Against Smugglers o BATAS, sinusuportahan lamang nila ang naunang rekomendasyon ng panig ng government prosecutor na ipatupad ang preventive suspension sa akreditasyon ng MC.

Giit ng pamahalaan, nabigo ang panig ng MC na magpakita ng mga kinauukulang dokumento na nagpapatunay na sapat ang binayarang buwis ng mga ito.

Read more...