Sen. Legarda may inihihirit na kakaibang fasting ngayon Semana Santa

legarda2Sinabi ni Sen. Loren Legarda may kakaibang ‘fasting’ na magagawa ngayon Semana Santa at makakatulong pa sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang tinutukoy ng senadora ay ang ‘carbon fast.’

Paliwanag ng senadora ito ay ang pagbabawas ng carbon emissions na malaking tulong sa isyu ng climate change.

Binanggit nito ang hindi paggamit ng plastic bags, paggamit ng led lights, pagkain ng mga lokal na pagkain, carpooling o pagsakay na lang sa mga pampublikong transportasyon, pagsunod sa solid waste management act, pagtitipid sa tubig at pagtatanim ng mga puno.

Samantala, iminungkahi ni Sen. Cynthia Villar na gayahin ang konseptong ipinatutupad sa Europe kaugnay sa mga plastic na basura.

Tiwala si Villar na malaking tulong ukol sa isyu ng plastic na basura kung maipapatupad din dito sa bansa ang extended producer responsibility o EPR.

Paliwanag ng senadora ang naturang konsepto ay isang istratehiya para pangalagaan ang kalikasan.

Aniya dito ay obligado ang mga negosyante o kompaniya sa pag recover sa kanilang mga plastic packagings.

Ito ay maaring sa pamamagitan ng re use, buy back o recycling programs.

Sinabi ni Villar na dito ay mapupunta sa mga negosyante mula sa gobyerno ang responsibilidad ukol sa waste management.

Read more...