Mga korte, half-day lang bukas

Supreme-court-building-inquirer-Sinuspinde na ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang panghapong pasok sa mga korte sa buong bansa bukas.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, bukas, Miyerkules Santo simula alas otso ng umaga hanggang alas dose lamang ng tanghali ang pasok ng mga empleyado sa hudikatura upang magunita ng mga ito ng mahaba ang Semana Santa.

Gayunman, sinabi ng SC na ang nasabing kautusan ng punong mahistrado ay maliban na lamang kung mayroong internal schedule ang mga korte.

Read more...