Nakadating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Saudi Arabia para sa kaniyang state visit.
Dalawang araw na mamamalagi doon si Pangulong Duterte, bago siya tumungo naman sa Bahrain bukas ng gabi.
Sasalubungin siya ni King Salman Bin Abdulaziz Al Saud sa isang seremonya sa Royal Private Residence mamaya.
Doon din gaganapin ang bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider, pati na ang pirmahan ng mga dokumentong mapagkakasunduan.
Bukas naman ay nakatakdang pumunta si Duterte sa Philippine-Riyadh Trade and Investment forum.
Susundan naman ito ng pakikipagkita niya sa mga Pilipino sa Marriott Hotel.
MOST READ
LATEST STORIES