11 flights kanselado, maraming kalsada sa Mt. Province at Baguio, sarado dahil sa landslides.

Art Tibaldo
Wright Park, Baguio City/Photo Contributed by Art Tibaldo

(updated) Labingisang domestic flights ang kinansela dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Ineng.

Ang PAL Express ay nagkansela ng apat na flights na kinabibilangan ng flight 2P 2196 Manila – Laoag; 2P 2197 Laoag – Manila; 2P 2014 Manila – Tuguegarao; at 2P 2015 Tuguegarao – Manila.

Ang Cebu Pacific naman ay ng tatlong flights na kinabibilangan ng 5J 504 Manila – Tuguegarao; 5J 505 Tuguegarao – Manila; at 5J 901 Manila – Caticlan.

Ang Philippine Airlines naman ay nagpa-abiso na rin na kanselado ang kanilang PR 2198 Manila-Laoag at PR 2199 Laoag-Manila.

Habang ang Skyjet ay nagkansela ng dalawang flights na kinabibilangan ng flight M8 816 Manila – Basco at M8 817 Basco – Manila.

Samantala, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) limang malalaking lansangan sa Northern Luzon ang sarado dahil sa landslides.

Wright Park, Baguio City/Photo Contributed by Art Tibaldo

Sa abiso ng DPWH, sarado at hindi madadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga sumusunod na lansangan:

– Mt Prov-Cagayan via Tabuk-Enrile road at Macotiti section in Sadanga, Mt. Prov. & Caluttit section in Bontoc.
– Juction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad road at Pamassao section
– Baguio-Bontoc road, Pactil & Gonogon sections
– Mt. Prov-Ilocos Sur road at Cabunagan & Dawdawan sections
– Dantay-Sagada road at Dantay section.

Sinabi ng DPWH na ginagawa na ng kanilang mga tauhan ang lahat para malinis sa landslides ang nasabing mga kalsada./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...