Ayon sa ating Cricket na tambay sa apat na sulok ng Senado, buking na nila ang pakay ng naturang mambabatas na isang frustrated “Senator”.
Umaasa ang nasabing dating kongresista na mabibigyan sya ng juicy position sakaling manalo sa halalan sa susunod na taon si DILG Sec. Mar Roxas.
Nilinaw ng ating Cricket na walang alam sa “Black Ops” ang ilang Liberal Party officials tulad ni Sec. Roxas dahil sa ibang paksyon sa loob ng partido kabilang ang ating tinutukoy na dating mambabatas.
Sayang ang magandang imahe ni former Congressman na galing pa naman sa isang matimo at respetadong Political Clan.
Kahit kami ay nabigla dahil hindi ito ang imaheng nai-marka ni Cong bilang isang soft-spoken na pulitiko.
Pero naimpluwensyahan ng mga kaalyado sa pulitika makaraang magkaroon ng paksyon sa mismong loob ng partido ni Pangulong Noynoy Aquino.
Gusto kasing kontrolin ng ilang malalapit na kaibigan ng Pangulo sa LP ang impluwensya sa pamamahala sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga tauhan sa maseselang posisyon sa loob ng Aquino administration.
Yung grupo ni Cong ay gusto ring maka-pwesto ng maayos sa gobyerno kaya gumagawa sila ng kanilang sariling diskarte kabilang na dito ang pag-tulak sa isang bagitong kongresista na tumakbo bilang ka-tandem ni Roxas sa 2016.
Kasama sa grupo ni Cong ang isang laos na singer na nag-aambisyon din na magkaroon ng raket sa pamahalaan.
Ang laos na singer na ito rin ang dahilan kung bakit hindi kampante sa Liberal Party ang grupo ni Sen. Poe.
Bukod sa pag-kwestyon sa citizenship at required residency ni Sen. Poe, may mga pasabog pa raw sa mga darating na araw ang kampo ng dating mambabatas na ito.
Ang dating Congressman na nasa likod ng Black Ops na ito ay si T.L….as in True Lies.