Ayon sa provincial information officer ng Bohol na si Tootsie Escobia, kakaunti lamang ang mga turistang Amerikano sa kanilang probinsya kaya hindi sila gaanong maaapektuhan.
Karamihan aniya sa mga turistang dumadayo sa Bohol ay pawang mga Pilipino din o mga Asyano.
Matatandaang kamakailan ay naglabas ng travel warning ang US Embassy sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na mag-ingat sa pag-biyahe sa Central Visayas.
Ito ay dahil umano sa nakalap nilang “unsubstantiated yet credible” na impormasyon tungkol sa mga teroristang grupong posibleng magsagawa ng kidnapping, partikular na sa mga lugar ng Cebu at Bohol.