Nakatakdang mamalagi si Pope Francis ng 27 oras sa Cairo sa April 28 hanggang 29, kung saan makikipagpulong siya kay President Abdel Fattah al-Sisi, grand imam Sheikh Ahmed al-Tayeb at si Coptic Pope Tawadros.
Ayon kay Vatican deputy secretary of state Archbishop Angelo Becciu, hindi mapipigilan ng trahedyang nangyari sa Egypt ang misyon ng Santo Papa na palaganapin ang kapayapaan.
Gayunman, ilang diplomats at mga opisyal ng Vatican ang nag-aalangan dito dahil baka masabotahe ang pagbisita ng pope.
Kaya naman anila, posibleng may ilang bahagi ng nasabing pagbisita ng Santo Papa ang mababago depende sa magiging sitwasyon ng seguridad.
Ayon pa sa isang senior diplomat, babantayan nila ang sitwasyon hanggang sa kahuli-hulihang minuto bago lumipad ang Santo papa.
Samantala, nagdeklara na ng tatlong buwang state of emergency ang Egypt dahil sa nasabing pag-atake na inako ng Islamic State group.