Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Joan Petinglay, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng 4th Special Forces Battalion ng Joint TF Basilan nang tambangan ng mga bandido ASG sa Barangay Cabcaban, Sumisip, Basilan, dakong alas 7:15 ng umaga, Lunes.
Dakong alas-7:45 nang dumating ang reinforcement ng tropa mula sa 1st Special Forces Company dahilan para umatras ang mga miyembro ng ASG.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation sa lugar.
Sa nasabing sagupaan 3 miyembro ng Civilian Active Auxiliary o CAA ang patay, 5 iba pang mga kasamahan nito ang sugatan habang 6 naman ang nasugatan sa hanay ng militar.
Walo sa mga sugatan ay ginagamot ngayon sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City habang ang 3 iba pa ay ginagamot nsa Ospital ng Basilan.